Ilang ulit mo ba yan sasabihin sa akin. Oo na! Inamin ko noon na gusto kita. Okay na? Oo, inamin ko sayo na gustong-gusto kita noon, pero jusko ang tagal-tagal na non. Yung yung mga panahong immature pa ako. Yung tanga pa ako. Yung wala pa akong ka-taste taste! Kaya pwede ba? Tama na. Nakakabingi na. Sa ginagawa mong yan, di naman bumabalik ang feelings ko e. Wag mo sabihing, kapag inuulit-ulit mo yan lumalaki ulo mo na feeling mo ang gwapo-gwapo mo?
Nakakatawa ka. I pity you.
Masyado ba akong mabait na hinahayaan lang kitang gamitin ako, abusohin, at ineeasy-easy lang. Bakit di ko magawang iwan ka. Ni ang layuan ka nga, di ko kaya. Bakit. Di ko naman maramdaman na importante ako sayo, pero grabe. Ang sakit na. Sumosobra ka na talaga.
Wala akong planong magpakababa para gamit-gamitin mo lang! Wala kang karapatang gawin sa akin ‘to. Wla akong ibang ginawa kundi ang tulungan ka. Pero sa simpleng hiling ko lang na makasama kita kahit sandali, di mo pa magawa. Wala kang kwenta. Promise. Wala!
Sobra ka na.